PAANO KUMITA ONLINE 2025

work from home
work from home

Maraming paraan para kumita sa internet, depende sa skills, oras, at resources mo. Heto ang mga pangunahing paraan:

🔹 Freelancing

  • Upwork, Fiverr, OnlineJobs.ph – Pwede kang mag-offer ng serbisyo tulad ng graphic design, writing, programming, video editing, social media management.

  • Kailangan: portfolio presentable na kaakit-akit sa mga tao at stable internet.

🔹 Content Creation

  • YouTube, TikTok, Facebook Reels – Gumawa ng original videos upang maiwasan ang violation at kumita sa mga ads, mga sponsorships, o mga product promotions.

  • Blogging – Kung mahilig kang magsulat, pwede kang kumita sa ads (Google AdSense) o affiliate marketing.

🔹 Online Selling

  • Shopee, Lazada, Facebook Marketplace – Mga Online store na pwede magbenta ng physical products pero kailangan mong ipadala ito o digital products para maaring isend lamang ito sa pamamagitan ng software.

  • Print-on-Demand – Mag-design ng t-shirts na maganda na gustong-gusto ng mga tao o bata, mugs, at ibebenta online nang walang stock.

🔹 Affiliate Marketing

  • Mag-promote ng products/services ng ibang tao at kikita ka ng komisyon bawat benta.

  • Platforms: Amazon Associates, Involve Asia, Shopee/Lazada Affiliate.

🔹 Remote Jobs

  • Customer service, virtual assistant, transcription, tutoring.

  • Hanapin sa LinkedIn, Jobstreet, o mga freelancing platforms.

🔹 Investments & Passive Income

  • Stocks, Crypto, or Forex – may risk ito, kailangan ng aralin. Hindi maaring walang ideya kung paano ang sistema. 

  • Online Courses / eBooks – pwedeng magturo online at gawing negosyo ang iyong mga natutuhan. Gumawa ng sariling digital product na hindi kinopya at kailangang ibenta sa tamang paraan at may mga website o platforms kung saan pwede ipost gaya ng raket.ph at marami pang iba.


!Tips:

  • Iwasan ang “get-rich-quick” schemes, scams, at mga nag-aalok ng mabilis na akala mong yayaman ka.

  • Piliin ang bagay na aligned sa skills at interest mo para mas sustainable.

Comments

Popular posts from this blog

Paano Kumita ng Microsoft Rewards Points Araw-araw

Step-by-Step Guide Kung Paano Magsimula Para Kumita Online

Paano Magkaroon ng Negosyo o Tindahan sa Bahay (Small Business Ideas 2025)