Paano Kumita ng Microsoft Rewards Points Araw-araw
Para lumaki ang iyong Microsoft Rewards points nang mabilisan, narito ang mga epektibong paraan na puwedeng mong gawin araw-araw 🏆:
🔍 1. Gumamit ng Bing Search
Sa PC: Mag-search gamit ang Bing para kumita ng hanggang 150 points kada araw.
Sa Microsoft Edge browser: May dagdag na 20 points kung dito ka mag-search.
Sa Mobile: Gumamit ng Bing app para sa karagdagang 100 points kada araw.
🎮 2. Maglaro mismo sa Xbox at Kumpletuhin ang Quests
Sa Xbox Rewards Hub, may mga daily at weekly quests na nagbibigay ng points kapag natapos mo.
Halimbawa: Maglaro ka ng isang partikular na game o kumpletuhin ang mnga achievement mo.
📅 3. Kumpletuhin ang iyong Daily Sets at Quizzes
Sa Microsoft Rewards dashboard, hanapin ang mga may mga Daily Set na binubuo ng:
Daily quiz
Poll
Bonus activity
Kumpletuhin mo lang ito araw-araw para madagdagan ang points mo. Bawat activities may kasamang mga points. Dito lumalaki ang iyong points sa kabuuan.
🛍️ 4. Mamili sa Microsoft Store
Kumita ng points sa bawat pagbili ng apps, games, o devices gamit ang iyong Microsoft account.
🎁 5. Mag-level up
Kapag nakaabot ka ng Level 2 (1000 points kada buwan), mas mataas ang earning rate mo.
Sa Level 2, puwede kang kumita ng 5x na mas maraming points kaysa sa Level 1. Mas mabilis makakuha ng maraming points araw araw.

Comments
Post a Comment